Pumalo na sa mahigit P182 milyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyong Lando sa sektor ng agrikultura sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inisyal pa lamang ito at inaasahang tataas pa sa mga susunod na araw.
Samantala, aabot naman sa mahigit 1,600 kabahayan ang nasira dahil sa paghagupit ng bagyo.
Stranded pa rin sa mga pantalan sa bansa ang may 1,059 na pasahero.
Di pa rin makapaglayag ang 45 vessel, 56 na motor banca at 156 na rolling cargoes.
Kasalukuyan namang wala pa ring suplay ng kuryente ang mga probinsya ng Quirino, Nueva Viscaya, Aurora at Mt. Province.
Hindi pa rin naibabalik ang linya ng komunikasyon sa bahagi naman ng Casiguran, Aurora.
By Ralph Obina