Pumapalo na sa mahigit P1-B ang danyos sa agrikultura ng bagyong Maring sa Northern Luzon at bahagi ng Visayas.
Ayon ito sa Department of Agriculture (DA) kung saan kabilang sa mga apektado ang CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas at SOCCSKSARGEN.
Pinakamalaki ang danyos ng bagyong Maring sa palayan na nasa halos 1-M.
Ipinabatid ng DA na naapektuhan din ng bagyong Maring ang halos 41,000 magsasaka at mangingisda.