Umabot sa P532,960,858 ang halaga ng pinsalang idinulot ng Tropical Cyclone “Maymay” sa Cagayan.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, pumalo sa P516,200,000 ang danyos sa imprastraktura habang P16,322,185 naman sa agrikultura.
Kabilang sa mga nagtamo ng pinsala ang irrigation canal, multi-purpose building, day-care center, waiting shed, school buildings, at barangay health station.
Batay pa sa datos, nasa 8,730 pamilya o 33,432 indibidwal mula sa 150 barangays sa 14 bayan ang naapektuhan ng kalamidad.