Umakyat na sa 5.4 billion pesos ang halaga ng pinsala ng Bagyong Nina sa Agrikultura.
Kabilang sa mga matinding naapektuhan ang mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.
Umabot sa mahigit 63,300 ektaryang palayan na may 204,000 metrikong tonelada ang production loss na papalo sa 2.2 billion pesos.
Tinaya naman sa 21,700 ang lawak ng pinsalang idinulot sa high value crops na nagkakahalaga ng 1.7 billion pesos.
Samantala, sumampa naman sa 146 milyong piso ang halaga ng mga nasira sa imprastraktura gaya ng Research at Experiment Stations maging sa pasilidad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
By: Drew Nacino