Umakyat na sa P3.2 bilyong piso ang iniwang pinsala ng bagyong Nona sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, pinakamatinding napinsala ang mga maisan kung saan halos 50,000 ektarya ang naapektuhan o nalubog sa baha.
Matindi ring naapektuhan ang mga high value crop; mga palayan; livestock at sektor ng pangisdaan.
Karamihan sa mga nasirang taniman ay matatagpuan Regions Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol at Eastern Visayas regions.
Dahil dito, umabot na sa mahigit P5.3 bilyong piso ang pinagsamang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.
By Drew Nacino | Monchet Laranio