Pumalo na sa 2.6 billion pesos ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Odette sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 34,747 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, at CARAGA.
Aabot sa 60,451 na ektarya ng agricultural areas ang apektado at 87,640 metric tons ang volume ng production loss.
Kabilang sa apektadong commodities ay bigas, mais, high value crops, livestock at fisheries.
Samantala, tinatayang aabot sa 227 milyon pesos ang halaga ng nasirang mga imprastraktura dahil sa bagyo kabilang ang ilang opisina ng gobyerno, flood control facilities, kalsada at tulay.