Sumampa na sa kabuuang 333.4 million pesos ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Odette sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), winasak ng bagyo ang 19,640 metric tons ng produksyong pansakahan at 23,198 ektarya ng agricultural areas na nakaapekto sa 12,750 mga magsasaka sa CALABARZON, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Central Mindanao, Davao, at CARAGA.
Kabilang sa mga commodoties na naapektuhan ang palay, mais, high value crops at fisheries, kung saan kasalukuyan pang bina-validate ang bilang nito.
Kaugnay nito, sinabi ng DA na magbibigay sila ng 1.35 billion pesos na halaga ng tulong sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda, kabilang ang isang bilyong pisong quick response fund, 148 million pesos ng rice seeds, 100 million pesos sa ilalim ng survival and recovery assistance program, 1.64 million pesos ng fingerlings at assistance sa fisherfolk, 625,150 pesos halaga ng mga gamot at biologics, at available na pondo mula Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).