Lumobo pa sa halos siyam na bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura at imprastruktura sa bansa.
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, pumalo na sa 4.27 billion pesos ang pinsala sa agrikultura ng bagyo sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Cordillera Administrative Region.
Umabot naman sa halos 110,000 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Maliban sa agrikultura, lumobo rin sa 4.67 billion pesos ang pinsala sa imprastruktura ng bagyo sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Luzon, Northern Mindanao, BARMM at CAR.