Lumobo pa sa 3.41 billion pesos ang pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas.
Batay sa huling datos ng Department of Agriculture ngayong araw, sakop nito ang mga pinsala sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at SOCCSKSARGEN.
Umabot naman sa 89,142 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Ang mga apektadong pagkain ng bagyo ay ang mga high-value crops tulad ng prutas at gulay, palaisdaan, manukan, babuyan at mga kagamitan sa pagsasaka at pangingisda.