Lumobo pa sa mahigit P7.6-B ang halaga pinsala ng Bagyong Paeng sa agrikultura at imprastraktura.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinaka-malaki o P4.5-B ang natamong pinsala sa imprastraktura, na kinabibilangan ng mga kalsada at tulay.
CALABARZON ang pinaka-matinding hinagupit ng bagyo magtamo ng P1.2-B na halaga ng pinsala sa imprastraktura na sinundan ng MIMAROPA, P997-M at Bicol region, P797-M.
Tinaya naman sa P3.1-B ang agricultural damages, kabilang ang mahigit 92,000 hectares ng pananim na winasak ng bagyo.
Pinaka-matinding naapektuhan ang sektor ng agrikultura sa Region 5 o Bicol na umabot sa P924-M ang halaga ng pinsala; CALABARZON, P726-M at Central Luzon, P430-M.
Batay sa datos ng Department of Agriculture, halos 82,000 magsasaka at mangingisda ang apektado ng kalamidad.