Pumalo sa P2.5-bilyon ang halaga ng napinsala ng bagyong Tisoy sa Albay.
Ayon kay Gilbert Sadsad, director ng Department of Education (DEPEd) sa Bicol, sa classrooms pa lamang ay aabot na sa halos P1-bilyon ang halaga ng napinsala.
Maliban sa mga silid aralan, marami rin ang napinsalang kalsada, tulay at mga pananim sa Albay.
Samantala, isinailalim na rin ng Quezon provincial council sa state of calamity ang lalawigan.
Nauna nang umapela sa konseho ng probinsya si Governor Danilo Suarez na isailalim agad sa state of calamity ang lalawigan dahil sa lawak ng pinsalang tinamo nito mula sa bagyong Tisoy.
3 katao ang napaulat na nasawi sa Quezon samantalang mahigit sa labing apat na libong pamilya ang inilikas sa kasagsagan ng bagyo.