Pumalo na sa mahigit 1.8 billion pesos ang halaga ng nasirang imprastruktura sa Northern Luzon matapos ang magnitude 7 na lindol.
Sa datos ng NDRRMC, nanguna sa pinaka-apektado ang CAR na may nagtamo ng 922 million pesos na pinsala, Ilocos Region, 851 million pesos at Cagayan, 32 million pesos na pinsala.
Umabot naman sa mahigit 33.6 million pesos ang nasira ng lindol sa sektor ng agrikultura sa Cordillera habang 22.7 million pesos sa irrigation facilities.
Hulyo 27 nang yumanig ang malakas na lindol na ikinasawi ng 11 katao at ikinasugat ng mahigit 600 iba pa.
Samantala, nasa 500,000 katao ang nananatili sa evacuation center.