Umabot sa 51 ang bilang ng sugatan sa pagtama ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate.
Ayon sa Office of the Civil Defense, naitala ang mga nasugatan sa mga bayan ng Palanas, Pio V Corpuz at Uson.
Umabot naman sa 61 residente ang naapektuhan ng lindol habang 19 na paaralan at ilang pang gusali ng pamahalaan ang nasira sa Masbate.
Sa kabuuan, pumalo na sa halos P24-milyon ang halaga ng mga nasirang kalsada at mga gusali sa Masbate habang P500,000 naman ang Camarines Sur.
Nagpadala na ng ayuda ang national government para sa mga biktima ng lindol tulad ng food packs, malinis na tubig at blanket.