Pumapalo na sa P100 million pesos ang paunang pagtaya sa pinsala nang pagbaha sa 16 na barangay sa lungsod ng Koronadal.
Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel, pinakamalaking pinsalang naitala sa imprastruktura ay pagkasira ng dalawang tulay sa Brgy. Namnama at Carpenter Hill samantalang 10 bahay ang nasira at daan-daang pamilya ang apektado.
Dahil dito, nag-desisyon ang mga otoridad na isailalim muli sa state of calamity ang Koronadal City dahil sa pagbaha.
Samantala, dalawang panibagong landslide ang naitala sa dalawang bayan ng South Cotabato.
Apat (4) na pamilya ang apektado nang pagguho ng lupa sa Barangay Rang-ay sa bayan ng Banga at mahigit 10 pamilya naman ang biktima ng landslide sa bayan ng Tupi.
By Judith Larino