Lumobo na sa P48.8 million ang halaga ng pinsala ng flashfloods at mudslides sa sektor ng agrikultura sa Ifugao, partikular sa Bayan ng Banaue.
Ayon sa Department of Agriculture, nasa 600 magsasaka ang apektado o katumbas ng 728 metric tons na volume loss.
Kabilang sa mga pinadapa ang mga palayan, maisan, high-value crops, gaya ng repolyo, kamatis at bell pepper.
Bukod sa mga gulayan, naapektuhan din ang mga babuyan at manukan sa Banaue.
Tiniyak naman ng DA na makatatanggap ng ayuda ang lahat ng magsasakang apektado
Huwebes nang makaranas ng malakas na ulang dulot ng habagat ang lalawigan na nagresulta sa pagbaha at pag-agos ng putik dahilan naman ng pagkasugat ng tatlo katao at paglikas ng nasa isanlibong pamilya.