Pumalo na sa halos 12 bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura at imprastruktura ng bansa.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 6.4 milyong piso ang pinsala sa agrikultura ng bagyo, na nakaapekto sa mahigit 146K magsasaka.
Nasa 5.4 bilyong piso naman ang nasira sa imprastruktura na kinabibilangan ng mga paaralan, kalsada at tulay.
Sa ngayon, 36 na lugar pa rin sa bansa ang walang linya ng komunikasyon habang 24 ang walang suplay ng kuryente.