Umakyat na sa P45.93 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Bising.
Ito ayon sa Department of Agriculture (DA).
Batay sa ulat ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM-OpCen), 765 magsasaka sa Bicol Region at Eastern Visayas ang naapektuhan sa bagyo.
Ayon pa sa DRRM-OpCen, nasa 3,009 metric tons ang nawasak sa 1,599 ektarya ng bukirin sa dalawang rehiyon.
Nagbigay naman ng tulong ang DA sa mga naapektuhan sa bagyo tulad ng punla at gamot sa mga halagang hayop.
Sa nagyon, nagpapautang na ang ahensya sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC). — sa panulat ni John Jude Alabado