Umaabot na sa halos P3-milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng bagyong Quiel sa sektor ng agrikultura sa Cagayan.
Ayon kay Department of Agriculture Regional Executive Director Narciso Edillo, posibleng tumaas pa ang nabanggit na halaga oras na humupa na ang baha sa iba pang bahagi ng lalawigan.
Sinabi ni Edillo, 9 pa lamang mula sa 11 munisipalidad na sinalanta ng Bagyong Quiel sa Cagayan ang naisailalim nila sa assessment.
Habang nagpapatuloy pa rin aniya ang isinasagawang assessment sa pinsala naman ng bagyo sa livestock o alagang hayop.
Samantala sinabi ni Edillo, pinakamatindi aniyang naapektuhang pananim ay mga palay at high value crops.