Mahigit sa kalahating bilyong piso na ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Calabarzon at Bicol Region pa lamang.
Batay sa datos ng Dept of Agriculture Disaster Risk Reducation Management Operations Center, ang naturang halaga ay katumbas ng halos 19,000 metriko tonelada ng palay, mais at iba pang high value crops.
Umaabot anila sa halos 15,000 ektarya ang nasira at halos 4,000 magsasaka ang apektado.
Tiniyak ng D.A. na mayroon silang nakahandang binhi na ipamamahagi nila sa mga magsasaka.