Lumobo na sa mahigit P100-milyon ang halaga ng iniwang pinsala sa agrikultura ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Sa inisyal na datos ng Department of Agriculture (DA), naitala ang kabuuang P104-milyong halaga ng pinsala mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region III at Region IV-A.
Apektado naman dahil dito ang 2,839 na mga magsasaka, 17,845 na hektarya ng lupain, habang nasa 7,999 metriko tonelada naman ang mga nasayang na produksyon ng pananim.
Lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo ang mga pananim na palay, mais at high value crops.
Samantala, nilinaw naman ng DA na patuloy ang kanilang pagberipika sa mga naturang datos.