Umakyat pa sa halos P10-bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng pagtama ng Typhoon Ulysses sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesman Peter Paul Galvez, umabot na sa P6.1-bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, habang P4-bilyon naman sa agrikultura.
Dagdag ni Galvez, pumapalo na rin sa mahigit P65-bilyong mga kabahayan ang nasira ng Bagyong Ulysses.
Karamihan aniya sa mga ito ay naitala sa Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga.
Samantala, nananatili naman sa 73 ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, 24 ang sugatan at 19 ang nawawala.