Umabot na sa mahigit P80-M ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng malalakas na pag-ulang dulot ng shearline sa imprastraktura at agrikultura.
Batay sa datos ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit P63.8-M ang halaga ng pinsalang naitala sa sektor ng agrikultura mula sa Region 5, 8, at 10.
Sumampa naman sa P20.8-M ang halaga ng danyos sa imprastraktura sa MIMAROPA, Regions 5, 10 at CARAGA habang nakapagtala naman ang National Irrigation Administration (NIA) ng mahigit P2-M (P2,050,000) halaga ng pinsala.
Samantala, nagtamo rin ng pinsala ang 1,196 na mga kabahayan kabilang ang 909 partially damaged at 287 totally damaged. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)