Umaabot na sa mahigit isandaan at tatlong (103) milyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City noong Biyernes.
Sinabi ng DPWH o Department of Public Works and Highways na bagamat passable na sa mga magagaang sasakyan, patuloy pa ring sumasailalim sa clearing operations ang Daang Maharlika Road, kabilang ang Maliko Bridge, Kinabutan-I Bridge at Kinabutan-II Bridge; Surigao Wharf Road; Surigao-San Juan Coastal Road, kabilang ang friendship bridge at Banahaw Bridge; Surigao-Davao Coastal Road; at ang Magpayang-Mainit Wharf Road.
Naglagay na rin ang DPWH ng warning signs sa mga daan at naka-deploy na rin ang kanilang mga tauhan, para sa patuloy na pagsasaayos ng mga tulay at kalsada.
By Meann Tanbio
Photo Credit: DSWD Caraga