Umakyat na sa 127,000 families ang apektado ng pagbaha at landslide na dulot ng sama ng panahon sa Davao Del Norte.
Sinabi ni Davao Del Norte Vice Governor Oyo Uy, na ito’y batay sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office pero patuloy ang ginagawang assessment hinggil sa pagguho ng lupa.
Dagdag pa ng Vice Governor, batay sa partial latest report na ibinigay nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, pumalo na sa P P1.2-B ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa kanilang probinsya.
Samantala, nilinaw naman ni Vice Governor Uy na bagama’t maraming pamilyang apektado ng kalamidad ay wala nang tumutuloy ngayon sa mga evacuation centers sa lalawigan. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez ( Patrol 13).