Nagpadala na ng mga structural engineers ang CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines sa Ormoc airport para magsagawa ng assessment kung gaano kalaki ang tinamo nitong pinsala.
Ito’y ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio dahil sa nakitang bitak sa dulo ng runway matapos ang tumamang 6.5 magnitude na lindol sa Jaro, Leyte.
Gayunman, pagtitiyak ni Apolonio na ang tatlong iba pang commercially operated airport sa Calbayog, Catarman at Tacloban ay nananatiling normal ang operasyon.
Kasunod nito pinayuhan ni Apolonio ang mga pasaherong apektado ng pansamantalang pagsasara sa Ormoc aiport na makipag-ugnayan sa mga airlines para sa pagsasaayos ng kanilang flight details.
“Titignan kung maliit lang ang damage o kung kailangan ng repair, pero yung ibang airports, gaya ng Calbayog, Catarman at Tacloban ay normally operating naman po walang damage na nai-report last night.” Pahayag ni Apolonio
By Krista de Dios | Ratsada Balita (Interview)
Pinsala sa runway ng Ormoc airport sinusuri na ng CAAP was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882