Pumalo na sa mahigit P2.7 billion ang naitalang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Ulysses.
Partikular na sa mga sakahan, palaisdaan at livestock sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Cordillera at Metro Manila.
Habang umaabot na sa mahigit P5.2 bilyong ang naitala namang pinsala sa imprastraktura sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Cordillera at Metro Manila.
Mahigit 39,000 kabahayan naman sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol at Cordillera ang naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
4,473 sa nabanggit na bilang ang totally damaged habang 35,335 naman dito ang partially damaged.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)