Sumirit na sa P24.4 milyon ang pinsala sa mga pananim at palaisdaan sa pagbuga ng asupre ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), karamihan sa mga apektado ay ang mga palaisdaan at pananim na calamansi, palay at kamoteng kahoy sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel, at Talisay.
Umasa naman si DA Assistant Director Dennis Arpia na walang masyadong napinsala sa iba pang lugar na hindi pa nila napupuntahan.
Sa kasalukuyan, nananatili ang alert level 3 sa Bulkang Taal.