Sumampa na sa P300 milyon ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong Jolina sa mga pananim.
Ayon sa Department of Agriculture, mahigit 57K ektaryang lupain ang apektado sa Calabarzon, Bicol Region, Western at Eastern Visayas.
Nasa 16,155 metric tons ng pananim ang napinsala at mahigit 62 thousand na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Kabilang sa mga napinsala ang mga tanim na palay, mais, high value crops maging ang livestock at fisheries.—sa panulat ni Drew Nacino