Umabot na sa mahigit 430 milyong piso ang pinsalang dulot ng Bagyong Usman sa agrikultura pa lamang.
Ayon sa Department of Agriculture, naitala ang halaga ng pinsala sa mga lalawigan ng Quezon, Oriental Mindoro, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon at Samar.
Matinding napinsala ang mga palayan na umabot sa mahigit 360 milyong piso ang halaga at animnalibo limandaang metrikong toneladang volume production ang nasira.
Pumalo naman sa 23 milyong piso ang halaga ng pinsala sa maisan o katumbas ng 286 metric tons ng nasirang volume production.