Lumobo pa sa mahigit limang bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura, batay sa pagtaya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng Department of Agriculture.
Ayon sa D.A, pinaka-matinding naapektuhan ang mga palayan matapos sumampa sa 276,500 metric tons ang naitalang pinsala sa palay habang 233,000 metric tons ang pinsala sa mais.
Katumbas ito ng 2.69 billion pesos na pinsala sa palay habang 2.36 billion pesos sa mais.
Umabot naman sa halos 178,000 ektaryang taniman at nasa 164,000 magsasaka ang apektado.
Patuloly na nararanasan ang tagtuyot sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region;
Western Visayas; Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Nindanao, Davao Region, SOCSKSARGEN at BARMM.