Labis nang naaapektuhan ng nararanasang mahinang El Niño o matinding tagtuyot ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ito’y makaraang pumalo na sa P2.19 na bilyong piso na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa 18 lalawigan at isang lungsod.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Operations and Agribusiness Emerson Palad, pumalo na sa mahigit 156 na metriko toneladang palay, mais at high value crops ang apektado ng tag-init.
Tinatayang mahigit 57,100 ektarya ng sakahan ang apektado ng labis na tagtuyot kung saan, mahigit 36,000 rito ang wala nang tiyansang maka-recover pa.
By Jaymark Dagala