Sumampa na sa dalawandaan tatlumpu’t apat (234) na milyong piso ang pinsalang dulot ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinaka-matinding naapektuhan ang Mimaropa kung saan aabot sa isandaan limampu’t tatlong (153) milyong piso ang halaga ng pinsala sa palayan, maisan at gulayan at Caraga Region kung saan tinatayang walumpung (80) milyong piso ang halaga ng pinsala.
Apat na lugar naman mula sa Regions 9 at 12 ang nasa ilalim ng state of calamity.
—-