Pumapalo na sa mahigit P737-M ang halaga ng pinsalang idinulot ng bayong Quinta sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Partikular na naitala ang mga pinsala sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, CALABARZON at MIMAROPA.
Samantala nasa 29 na kalsada at limang tulay ang nananatili pa ring hindi madaanan sa Regions 1, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 8 at Cordillera Administrative Region.
Ayon sa NDRRMC, sa bahagi na lamang MIMAROPA nasa dalawang eskuwelahan, isang health facility, isang government facility, 11 pampublikong imprastraktura at tatlong simbahan ang nawasak dahil sa bagyong Quinta.