Umakyat na sa 757,841,175 pesos ang naitalang pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Paeng sa MIMAROPA, Region 5,6,7,10 at 11.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 37 ang kabuuang bilang ng mga imprastrakturang nasira ng naturang bagyo.
Kung saan 19 dito ay mula sa Region 6, siyam mula sa Region 7, apat mula sa Region 10, kapwa dalawa sa MIMAROPA at Region 5 at isa naman sa Region 11.
Pinakamalaki namang halaga ng pinsalang naitala sa ngayon ay mula sa Region 5 na umabot sa 357,179,900.
Sinundan ng Region 7 na aabot sa 272 million pesos, Region 10 na nasa 110 million pesos at pinasala sa Region 6 na aabot sa 661,675 pesos. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)