Pumalo na sa P89- M ang pinsalang iniwan ng Bagyong Neneng sa sektor ng agrikultura at imprastruktua ng Northern Luzon.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC), kabilang sa halaga ang 81, 555, 000 nasira ng bagyo sa imprastruktura ng Ilocos Region (Region 1), Cagayan Valley (Region 2) at Cordillera Administrative Region (CAR).
Kabuuan namang 503.57 ektaryang pananim ang napinsala ng bagyo kabilang ang mais, palay at high value crops.
Samantala, 16 na kalsada ang nasira ng bagyo sa CAR na nagkakahalaga ng P9.1 -M at 9 sa probinsya ng benguet, abra, apayao, at mountain province na nagkakahalaga naman ng mahigit P 22- M .
Sa ngayon, sa huling datos ng ndrrmc ay nasa 601 pamilya o 1, 865 indibidwal na lamang ang nananatili sa 71 evacuation centers sa bansa dahil sa bagyo.