Papalo na sa 58 bilyong dolyar ang halaga ng pinsalang idinulot ng patuloy na pananalasa ng hurricane Harvey sa Texas.
Ayon sa Center for Disaster Management and Risk Reduction Technology, marami ang napinsala dahil 90 porsyento ng tinamaan ng hurricane Harvey.
Dahil dito, ang hurricane Harvey ang tinaguriang pang-siyam na pinakamapaminsalang bagyo mula 1900.
Samantala, nagbabala si Texas Governor Greg Abbott na hindi pa tapos ang delubyong hatid ng bagyo.
Ito ay dahil sa patuloy pang nagbabagsak ng malalakas na pag-ulan ang hurricane Harvey at nagpapataas ng tubig baha sa malaking bahagi ng Texas.
Kasalukuyang nasa 20 na ang patay dahil sa naturang kalamidad.
By Ralph Obina