Pumalo na sa P3 million ang halaga ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng Bagyong Karding sa sektor ng imprastraktura.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa napinsala sa sektor ng imprastraktura ang mga tulay, kalsada at mga gusali na nasira dahil sa malakas na hangin at pagguho ng lupa.
Samantala, nasira din ang mga pananim ng mga magsasaka sa ilang lugar sa Luzon partikular na sa Nueva Ecija kung saan, pinaka naapektuhan ang palay, mais, at iba pang mga gulay.
Ayon sa NDRRMC, posible pang madagdagan ang halaga ng pinsala sakaling makuha na ang opisyal na report mula sa iba’t -ibang rehiyon na matinding hinagupit ng bagyong Karding.