Tinatayang aabot sa mahigit P366 million pesos (P366,058,240.16) ang iniwang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Neneng sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) .
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), 19,167 ektarya ng pananim ang nasira ng bagyo habang 14,578 na magsasaka ang naapektuhan ng kalamidad.
Pinakanapuruhan ng bagyo ang Cagayan Valley, kung saan tinatayang aabot sa mahigit P354 million (P354,499,525.78.) ang danyos sa agrikultura.
Sumampa naman sa mahigit P81.5 million ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa mga nasabing rehiyon habang 166 na bahayang nasira.
Aabot naman sa 175,275 katao ang naapektuhan ng Bagyong Neneng habang dalawa ang napaulat na nasugatan at walang naitalang namatay o nawawala.
Iniulat din ng NDRRMC na aabot sa mahigit P15 million (P15,347,070.07) ang halaga ng assistance na naipagkaloob sa mga naapektuhang lugar.