Umaabot na sa halos 220 milyong piso ang iniwang pinsala ng bagyong Vinta.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, 167 milyong piso ang naitalang pinsala sa imprastraktura habang 52 milyong piso sa sektor ng agrikultura.
Limang kalsada at limang tulay anya sa region 10 at Caraga ang hindi pa rin nadadaanan ngayon.
Samantala, nanatili naman sa 164 ang death toll sa bagyong Vinta habang umakyat naman sa 176 ang nawawala.
Bumaba naman na sa 20 libong pamilya ang nasa mga evacuation center ngayon, habang 12 libong pamilya ang nanunuluyan sa kani-kanilang mga kaanak.