Sumampa na sa P10B ang pinsalang naidulot ng bagyong Odette sa agrikultura.
Nasa 10.7-B ang naturang pinsala ng bagyo mula sa 9-B naitala nuong isang linggo sa rehiyon na sakop ng Visayas at Mindanao.
Naapektuhan ang mahigit 100K magsasaka at mangingisda na may higit 300K ektarya ng agricultural areas sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at CARAGA.
Isa sa pinakamalaking napinsalang halaga ay ang fisheries sector na aabot sa P3B, sinundan ng palay na may P2B, niyog na may P1.5B, at iba pa.