Inambush ang pinsan ni dating Senador Jamby Madrigal.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, naganap ang pananambang kay Lalaine Madrigal Martinez sa Makati City kaninang umaga.
Si Lalaine ay misis ng convicted drug lord na si Noel Martinez, na lider ng Genuine Ilocano Group sa Bilibid, na tumestigo laban kay Senador Leila de Lima sa isinagawang pagdinig ng Kamara kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).
Sinabi ni Aguirre na mismong si Lalaine ang tumawag sa kanya para ipaalam na pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang kanyang sasakyan.
Nakaligtas naman sa naturang pananambang ang biktima.
By Meann Tanbio