Sumuko na sa militar ang pinsan ng isa sa mga lider ng Maute – ISIS Group na si Isnilon Hapilon.
Ito ay isang araw matapos na mapatay ang naturang lider.
Ayon kay Joint Task Force Basilan Commander Colonel Juvymax Uy, kasamang sumuko ni Ben Salina Sapilin ang dalawa pang miyembro ng Abu Sayyaf.
Isinuko din aniya ng mga ito ang kanilang mga matataas na kalibre ng armas.
Nanawagan ngayon si Uy sa iba pang miyembro ng Abu Sayyaf na magbalik loob na din sa gobyerno.
Matatandaang noong Lunes, Oktubre 16, ay napatay ng tropa ng gobyerno sa bakbakan sa Marawi City sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
LOOK: Ben Salim Sahin “aka Ben”, cousin of slain ISIS Emir of Southeast Asia Isnilon Hapilon, surrendered w/ 2 AbuSayyaf members to AFP pic.twitter.com/Y0GYRh5hIc
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 18, 2017