Natagpuang patay ang isang 30-anyos na pintor sa loob ng manhole sa Cebu City, matapos umano itong mahulog mula sa ika-17 palapag ng isang hotel na under construction.
Kinilala ang nasawi na si Michael Isidro.
Sa salaysay ng katrabaho ng biktima sa mga pulis, napansin nilang hindi nag-punch-out si isidro pagkatapos ng trabaho kaya hinanap nila ito.
Laking gulat na lang nila nang matagpuan nila ang kanyang walang buhay na katawan na nakahandusay sa loob ng isang manhole.
Sa pag-iimbestiga, nabasag umano ang grill ng air conditioner kung saan nakakabit ang harness ng biktima dahil sa malakas na hangin dahilan para mahulog ito.