Bubuksan ng Vatican ang pintuan nito sa 1,000 bilanggo, kabilang ang ilang may sintensya na life sentence, ngayong weekend.
Ito ay para lumahok sa jubilee tradition kasama ang 3,000 miyembro ng pamilya, prison staff at ilang volunteers.
Sa Sabado ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga bilanggo mula sa 12 bansa na mangumpisal at dumaan sa “Holy Door” sa Saint Peter’s Basilica.
Dadalo naman ang mga inmate sa isang misa na pangungunahan ni Pope Francis sa araw ng Linggo.
Ang mga convict ay magmumula sa Britanya, Italy, Latvia, Madagascar, Malaysia, Mexico, The Netherlands, Spain, Amerika, South Africa, Sweden at Portugal.
By Katrina Valle
Photo Credit: EPA/OSSERVATORE ROMANO