Dismayado ang pinuno ng Assembly of State Parties ng ICC o International Criminal Court sa pagkalas ng Pilipinas.
Ayon kay President O-gon Kwon ng South Korea, nakababalaha ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas sa Rome statute na siyang lumikha sa ICC dahil ito ay may negatibong impact sa paglaban sa impunity.
Kinikilala ng opisyal ang pagsuporta ng mga miyembrong bansa para maging epektibo ang pagtupad ng ICC sa mandato nito.
Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ng ICC ang Pilipinas na manatili sa Rome statute.