Nakahandang magtungo sa Pilipinas ang pinuno ng Management Oversight at Legislative Body ng International Criminal Court (ICC)para makipagdiyalogo sa pamahalaan.
Kasunod ito ng pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas na sa ICC.
Ayon kay Assembly of States Parties to the Rome Statute President O-Gon Kwon, magkakaroon ng negatibong epekto ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC sa pagsisikap ng lahat na labanan ang impunity o kawalan ng hustisya sa buong mundo.
Magkakaroon din aniya ito ng epekto sa tungkulin ng ICC na imbestigahan ang mga war crimes at mga krimen na lumalabag sa karapatang pantao.
Sa kabila nito, iginiit naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC.
Ayon kay Roque, para sa kanya ay huli na ang plano ni Kwon na tumungo sa Pilipinas at makipag-usap ng mga opisyal ngbansa.
Binigyang diin pa ni Roque na nagkaroon ang paglabag ang ICC sa hakbang nito na magsagawa ng preliminary investigation sa anti drug war ng administrasyong Duterte.