Nagkaharap sa isang pulong sa kauna-unahang pagkakataon sina Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at Saudi Arabia crown Prince Mohammed Bin Salman.
Ito ang inihayag ng isang opisyal ng Israeli government bagama’t pinabulaanan ito ng isang top diplomat ng Saudi Arabia.
Sa isang ulat sinabi ni Israel Education Minister Yoav Gallant naganap ang pagpupulong ng 2 mataas na lider ng 2 bansa sa Saudi City of Neom.
Habang iginiit naman ni Saudi Arabia Foreign Minister Faisal Bin Farhan na ang tanging opisyal na pulong na dinaluhan ni Bin Salman ay kay U-S Secretary of State Mike Pompeo.
Sa kasalukuyan ay walang anumang opisyal na diplomatic relations sa pagitan ng Israel at Saudi Arabia.