Patay sa pamamaril ang pinuno ng PDRRMO o Palawan Disaster Risk Reduction Management office.
Sa inisyal na imbestigasyon, binaril ng mga armadong kalalakihan ang biktima na si PDRRMO Chief Gilbert Baaco, habang naghahapunan kasama ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan sa Barangay Barong Barong, noong Biyernes Santo.
Nagtamo si Baaco ng apat na gunshot wounds.
Naisugod pa ang biktima sa Leoncio General Hospital, subalit idineklarang dead on arrival.
Hinala ni Palawan Governor Jose Alvarez, ang New People’s Army ang siyang nasa likod ng pamamaril kay Baaco.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang motibo sa pagpatay sa biktima.
By: Meann Tanbio