Sinibak sa puwesto ang pinuno o Flag Officer in Command ng Philippine Navy na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.
Ayon kay Armed Forces of Philippines (AFP) Spokesman Colonel Edgard Arevalo, hindi pa nila maaaring sabihin sa ngayon ang dahilan ng pagkakasibak kay Mercado.
Gayunman, galing aniya ang utos mula sa mga otoridad na mas mataas pa kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.
Kasalukuyang inilipat si Mercado sa opisina ng AFP Chief sa Camp Aguinaldo habang ipinalit naman sa kanyang puwesto si Rear Admiral Robert Empedrad sa isinagawang Change of Command Ceremony ngayong Martes ng umaga.