Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng SRA o Sugar Regulatory Administration bunsod ng umano’y usapin ng katiwalian.
Inihayag ng Pangulo ang pagsibak nito kay SRA Administrator Anna Rosario Paner sa ika-anim na Mandatory Continuing Legal Education Accredited National Convention of Public Attorney’s kahapon.
Ayon sa Pangulo, kumuha ng mga consultant si Paner sa kaniyang tanggapan at sumusuweldo ng mahigit 200,000 Piso na mas mataas kaysa sa kaniyang suweldo bilang Pangulo ng bansa.
Binigyang diin pa ng Pangulo ang kaniyang polisiya na dapat mamuhay lamang ng simple at huwag na huwag wawaldasin ang pera ng taumbayan.
Kaya’t ipinaalala ng Pangulo sa lahat ng mga appointed officials na dapat magtrabaho lamang para sa kapakanan ng publiko.
SMW: RPE